Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a stronger-sounding voice and tone) NIYOG!!!
*********
*********
Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant : Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito (RizalPark). Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)
************
************
Host : Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant : Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host : Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka- bikini.
Contestant : Beerhouse!
************
************
Host : Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod? Contestant : Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan nito.
Contestant: Safeguard?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!
************
************
Host : Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant : Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant : Siyoke?
************
************
Host : What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines?
Contestant : Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork? &nb sp;
Host : Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa! Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A",at kapangalan ng isang sikat na singer? Contestant: Si...Sharon Cuneta!
************
************
Host : Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster( Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host : Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant : Armida Siguion- REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant : Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host : Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng piyesa sa Chess. Yung kahuli- hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!
************
************
Host : Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant : Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant : Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!
************ *
************ *
Host : What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines?
Contestant : Kuto?
Host: Hinde, clue: It tills the land.
Contestant: Kutong Lupa! (Bweset!)
No comments:
Post a Comment